The year was 1997.
My all-time favorite diva- Mariah Carey- released her 6th album, Butterfly.
As a young, poor, hard-core, #1 Arellano University High School fan, hindi ako kumakain kapag recess para makabili ng cassette tape sa SM Harrison Plaza when the album was launched.
And when they released the first single HONEY, talaga namang inabangan ko sa MTV Fresh with VJ Rahul yung video. At dahil wala pang YouTube noon, aabangan ko naman yung replay ng program para mapanood ko ulit. I was so euphoric every time na napapanood ko si Mariah sa video na yun. I think it was the first time she went daring from her wholesome sugar pop image. In fact, yun yung time na naghiwalay sila ng boss/ husband niyang si Tommy Mottola and Butterfly is symbolical to her personal growth nung makawala na siya sa strained relationship nila. (Ako na madaming alam.)
Adik na adik ako sa kantang yon. Paulit ulit ko siya pinapatugtog sa Walkman ko. Yes, – WALKMAN. So, ibig sabihin ire-rewind ko pa. Tapos pag nalow bat, bili ulit ng Eveready batteries. Or worse, like this:
Ewan ko ba pero once pinasak ko na sa tenga ko yung earphones at pinatugtog yung Honey, it seems like I’m entering into a different world. Wala nakong pakiam sa nangyayari sa paligid ko. May sarili nakong mundo. – MARIAH’S WORLD!
At dahil ako lang ang nakakarinig ng pinapatugtog ko, that takes me into my own twilight zone. My own turf, in my own production, sitting like a queen, sipping my MOET, sporting a sexy lingerie, wearing very dark sunnies to protect my eyes from the flashes of cameras from the paparazzi, being a global superstar, SHOOTING MY OWN MUSIC VIDEO! Like, I’m Mariah herself. Ganun na katindi.
In fact, memorize ko lahat ng galawan niya. Feel na feel ko talaga. At dahil dun naging feelingera ako. As in.
Like, kapag papasok ako sa pintuan ng bahay ng bestfriend kong si Sharon kasama yung dalawang barkada kong lalaki para tumambay, kailangan ganito ang posing ko pagbukas ng pinto:
‘Pag mahangin sa labas.
Pag umaahon ako sa swimming pool sa Pansol, Laguna.
…After swimming para magbihis.
Or kahit nakaupo lang ako sa sala, nanonood ng MTV. Wala akong naririnig.
Yun pala kanina pa pala ako sinisigawan ng tatay ko para utusang mamalengke sa kanto ng subdivision namin.
And speaking of pamamalengke…
Isang umaga, inutusan ako ng tatay ko mamalengke sa kanto. Dahil malayo kami sa labasan ng subdivision, ginamit ko yung mountain bike niya sa labas ng bahay.
Gustong-gusto ko yung ngba-bike ako, naka-shades tapos nakapasak yung earphones ko habang pinapatugtog yung Honey. May part kasi sa music video na nakasakay si Mariah Carey sa jetski habang hinahabol ng mga bandido sa dagat.
Ginagawa ko, bibilisan ko yung pagpidal sa bisikleta tapos uunahan ko yung mga tricycle or ibang mga nagbbibisikleta sa main road. Sila kunwari yung mga kalaban tapos kunwari hinahabol nila ko. Parang sa music video:
Minsan, nanggigitgit pako pag mas bata sakin yung nagba-bike.
Tapos lalagpasan ko silang lahat. Feeling ko nakatakas ako sa mga humahabol sakin sa dagat. Tapos magfa- flying kiss.
Medyo masakit nga lang sa hita kakapidal lalo na kapag dumarating nako sa may bandang labasan ng subdivision namin. Pataas kasi yung kalsada kaya bumaba nako akay yung mountain bike kasi antarik talaga bes, di ko kaya. Babawi na lang ako pauwi kasi free fall na, hindi ko na kailangan ipidal yung bike.
Pagtapos ko bumili sa Wet & Dry Market sa Salawag, pasak uli ng earphones 🎧 tapos pindot ng ▶️ para ituloy yung pagsho- shoot ng “music video” ko.
🎼 And it’s just like Honey….when your love… Comes…. Over me…
🎶
Humahangin- hangin pa yung buhok ko habang nagba-bike kaya feel na feel ko na naman! Ambilis ng pidal ko. Shempre, inunahan ko uli yung mga kalaban tricycle, yung mg naglalakad, tsaka yung bisikletang may sidecar pero walang bubong, yung parang pangdeliver ng mineral water, pero yun may angkas na isang sakong bigas.
As the biggest selling female artist of all time, kailangan ako ang mauna sa chase. Music video ko ‘to. Ako ang BIDAbida at sila ang mga goons. Kaya pag nalalagpasan ko sila, Magfa-flying kiss ako sabay irap – like a true diva. Kitang kita ko yung reaction sa mukha nila. They were like: WTF??!
Dedma.
Pagdating ko sa kanto ng subdivision namin, nandun na yung matarik na daan pababa kaya tinigil ko na yung pagpidal ko kasi free falling na yung kalsada. There you goooo!!! Woooooohhhhhh! Dire- diretso ako pababa.
🎼 All the world, we won,t stop. Hey, Mariah… You’re on Fiyah…🎶
Antulin ng jetski bisikleta ko! Pero nasa likod ko lang yung isang kalaban kaya kailangan kumaliwa ako sa intersection pagdating sa baba para matakasan ko siya. Kailangan lituhin ko siya para di niyako masundan. So, hinayaan ko lang nadumausdos yung bike ko pababa ng matarik na kalsada sabay kabig pakaliwa ng manibela to make a turn. Woooohhh!!! Yesss! Natakasan ko siy…
” Ayyyyy!!! PUT—-!!!!!!!”- may sumigaw.
Shet. Ano yun? Lumingon ako.
Kitang- kita ko yung nagda-drive ng sidecar tumilapon galing sa likod ko sabay tama sa poste sa kanto ng intersection kasabay yung isang sako ng bigas n bumagsak sa kanya!
” Oh my G-“
kinabahan nako.
I turned off my Walkman and took off my eaprhones. “Shet. Anong nangyari?”
Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko yung gulong sa harap ng sidecar niya na- otso.
Nakasunod pala yung bike na may sidecar ng bigas sa likod ko habang nagf-free fall ako sa bike sa pababang road sabay liko pakaliwa. At dahil nga matarik yung daanan pababa, hindi naman niya ma- control yung bigat ng angkas nyang bigas kaya biglang kabig naman niya ng manibela pakanan para iwasan akong mabangga sa harapan nya! Sa sobrang lakas ng pagkahinto niya, tumalsik siya sa unahan ko, tumama sa poste. Ang malupit pa nun, kasunod na bumagsak sa kanya yung isang sako ng bigas!
Pagtingin ko uli sa harap, nakita ko yung sidecar driver minumura nako habang pinipilit niyang iangat yung isang sako ng bigas na nakadagan sa kanya. Wait— parang may bukol pa ata sa ulo!
OMG!!! Pinidal ko ulit at inatakbo ko ng matulin yung bike ko. Just like that, Mariah Carey became Lance Armstrong. Pucha humarurot yung bike ko- walang lingon-lingon! Dire-diretso ako hanggang bahay. Pagdating ko sa gate namin, I got off from the bike, snatched the sando bag of groceries and zoomed inside the house. – Sabay lock ng pinto. Nangangatog sa takot. Yun na yung huling beses kong namalengke nun. Paghugasin nyo nako, laba, etc. hatawin man ako ng tatay ko ng bakal na hanger, HINDI AKO MAMAMALENGKE. Siguro, halos buong summer akong hindi nakalabas ng bahay sa takot na baka hunting-in ako ng mga nakakita sa nangyari.
I could not believe it! Pano ba naman, sa mura kong edad, na nangangarap lang namang umarte sa isang music video, – ay naka-HIT AND RUN nako. Well, almost. Dami ko nang naisip nun. Na-imagine ko na na may mga naghahanap sakin na NBI, tas hinuli ako ng mga pulis. Tapos naka-posas nako… etc. ( Mariah style.)
Mula nun, hindi ko na rin pinapatugtog yung Honey. Pinahiram ko yung cassette tape kay kay Ate Rory, yung kapatid ng kapitbahay naming si Ding a.ka. PUFF DADDY. ( o diba, akala niyo ako lang nagfu-fumeeling?)
That was 20 years ago.
After a while, dun ako tumira sa tita ko sa Makati at matagal na hindi nakabalik sa Cavite. Pero kapag umuuwi ako sa bahay namin doon, naaalala ko pa rin yung kasalanan na nagawa ko. hindi pa rin ako lumalabas ng bahay sa sobrang guilty. Like HOT GUILTY kasi nga may kasalanan akong tinakasan sa mundo. Ngayon may isip nako at alam ko na na hindi pala ako dapat tumakbo kundi dapat hinarap ko yung sitwasyon. I want to make it right. Umaasa akong makita yung driver ng sidecar para makahingi ng sorry sa naging bunga ng kalandian malilikot kong pag iisip noon. At sana mapatawad niya ako. Kaso hindi na yata nakatira doon si kuya. (At hindi ko rin naman alam kung san siya nakatira.) Kaya naman hanggang ngayon nakokonsensha pa rin ako pag naaalala ko yun. And until makahingi ako ng sorry dun sa taong yon, feeling ko… hinahabol pa rin ako ng mga goons sarili kong konsensya.
🎼 All the world, we won,t stop. Hey, Mariah… You’re on Fiyah…🎶
LESSON: Thou Shalt not feel like you’re on MTV pag mamamalengke.