MiSeDuCaTiON #18: Why Do A Lot of People Hate Their Job?

Madali ka bang ma-bored sa trabaho? Madalas mo bang ina-anticipate na uwian na kahit on the way ka pa lang papasok sa work?  Do you see yourself looking forward for the next day off kahit 1st day of the week pa lang?  Sukang-suka ka na ba sa paulit- ulit mong ginagawa sa araw-araw na pagpasok mo?

According sa isang survey na nakalimutan ko na kung sa yahoo ko ba nabasa.. 8 out of 10 people says THEY ARE NOT HAPPY with their job.

SINO SILA?

Eto yung mga klase ng empleyado sa isang food court na gini-greet ka nang “Goodmorning! welcome to ______, I’m Chenelyn at your service!” pero nakasimangot  na at nagdadabog pag nakalimutang take out pala yung order mo. Lalo na pag nanghingi ka pa ng extra tissue at bibigyan ka lang ng isang hibla.

Madalas Makikita mo rin sila mga public o government institution gaya ng city hall. Mas ok pa nga sa Jollibee kasi kahit papano ginigreet kapa. Eh sa city hall kaya, wala nang greet-greet, bigla na lang kukunin ang pera mo tas ii-itsa sayo yung resibo tsaka baryang sukli ng walang tingin-tingin sabay sigaw ng “NEXT!”

Pero gusto ko lang itanong:

WHY DO A LOT OF PEOPLE HATE THEIR JOBS?

I’ve  read  Max Lucado’s book,  Cure for the Common Life and he said that all of us were born with unique talent and individuality. We are specially designed different from each other when it comes to whatever our purpose in life is, as a contribution to the world. -which is very true.

Some people can sing way better than others. Some can invent things like post-it. :)  Some are good in playing basketball. Some are good in  cooking. Some are born with enormous leadership. And some can just- write. ehem. :) No matter how hard u make someone act, kahit may hitsura p ang bagong artista, hindi yan tatagal sa showbiz kung mahilig lang tlga sya magbutingting ng electric fan… electrician ang dapat maging career niya.

You want to know what u ought to be and what u shud be doing?- READ YOUR LIFE BACKWARDS. Think of the times what are the things u are interested the most and u are very passionate in doing. Yung kahit hindi ka bayaran… ok lng sayo kasi U LOVE WHAT U ARE DOING. Kasi you’ll never experience the satsfaction and true meaning of success sa isang bagay na hindi mo naman gustong gawin, diba?

LESSON: U NEED TO KNOW WHAT YOU REALLY REALLY LOVE TO DO AND SEE URSELF DOING IT GOOD. NO MATTER WHAT IT IS.. DO IT. THAT’S WHAT GOD WANTS YOU TO BE AND THAT WILL BECOME YOUR CONTRIBUTION TO THE WORLD. :)

Sa totoo lng, kahit ako.. nawawalan nako ng gana sa trabaho ko. bukod sa lagi akong gising sa gabi, wala pa akong nightlife! Oo. nagtrabaho ako sa isang callcenter. Dahil sa ito ang pinakamabilis when it comes to recruitment processing,(mostly 1 day lng.)  ito rin ang pinakamadaling pag resign-an pag ayaw mo na. At ayoko na kasi ilang araw nakong walang tulog kasi hindi ako makatulog sa tanghali hanggang magkasira sira na ang body clock ko na sa trabaho nako kung abutan ng antok! Pano kahit may sakit ka tatawagan ka.. kahit may medical certificate kp.. unless death certificate na yan excuse ka na. Ang mabigat pa don… pinagbabayad ba naman kami ng supervisor namin p500 pag umabsent ka! kapal! tapos ipanggigimik lng nila ng mga ka-team ko! wala na nga akong sinuweldo… may multa ka pa!  Kaya naman heto ang tanong na gumimbal sa pagkatao ng supervisor ko:

“Ipakita nyo sakin saang page sa Labor Code nakasulat na kelangan magbayad pag umabsent. “ hindi ako nakatingin pero nakataas ang kilay ko kunwari busy.

Naboba ng 5 minuto ang  supervisor kong puro whitehair na sa edad 33. Tapos biglang bumawi.

” Kung ayaw mo magbayad… MANDATORY O.T. ka 5 hrs! “  hamon niya sakin.

” Saan page na naman nakasulat sa Labor Code yang mandatory O.T. na yan ,aber? “ Tablado na naman siya sakin.

Hihirit pa siya ha. Wag siyang umarte. WALA lng tlga akong pera pambayad.

” Wag na kasi kayo umabsent pls…baka ibalik ako sa pagiging agent eh.. ” Hayun… lumabas din..biglang nagmakaawa ang kumag ngayon.

” Fine. Last na yan ah? “   -ako pa ngayon ang nagbigay ng ultimatum sa kanya! o diba?! :)

Kundi dahil sa nag-iisa’t natitirang rason kung bakit pako pumapasok dun eh siguro bumatsi nako matagal na. Hindi ko lng magawa kasi.. kasi..libre kasi ang INTERNET! :)

 Uu. Libre lang ang internet sa pantry. Kahit hanggang na-ACCESS DENIED ang Friendster at YM.. ginagawan ko lng ng paraan para makapag-usap kami ni Aling Baby –sa pamamagitan ng IMO. IM or MEEBO! Inaabot kaya ako ng 6 na oras na minsan dun nako natutulog kaka-pc. Kasi naman.. dun nabuo ang MISEDUCATION # 2-14!  Pag 1 hr break or kahit 15 mins lng… nakikipag-unahan tlg ako sa pantry sa favorite station ko para makapagsulat, makachat si Aling Baby sa UAE  or makapag-comment man lang sa mga beloved pupils ko. :)   Pagtapos ng short break… kunwari magtatrabaho na naman.. antay uwian para magblog.kahit parang unti-unti na nilang ina-access denied yung mga website.. wag lang ang WORPDRESS.. I pledge to stick and stay loyal sa company and promise to grow with the company to the best of my ability and strength, with all my might, mind, heart and soul… all through out the years.

 Yan ang pangako ko sa kanila from that day… until the day na nadatnan ko to pagpasok ko:

 

 

After seeing this sign…  I decided not to comeback again.  I found out after all those times,  the major  reason why im staying there is not to take calls and hear people complain about their fones or bills. I go there coz

 I REALLY REALLY WANT TO WRITE.  

And I think I’m in the wrong bag.  I think I shud be writing. I don’t want to live in the world where I don’t belong..  and I really do  feel I wasn’t needed there.

Because that place doesn’t need-

a WRITER. :)

 

 

~ ni themiseducationofzapped sa Oktubre 15, 2008.

27 Tugon to “MiSeDuCaTiON #18: Why Do A Lot of People Hate Their Job?”

  1. hehe.. wala pakong masabi dito..tama, indibidwality nga siguro, at siguro na rin, kasi, theyre doing the same routine..at sa araw araw na ginawa, eh nakakabored naman nga siguro ^^

  2. never ko pa naman na experience mag-trabaho but I can relate.
    Hopefully may part-time job na ako next month.

  3. una ako! yes! hehehe!

  4. teacher teacher! congrats sa iyong realization. ako, hindi ko parin natutuklasan ang gusto ko talagang gawin sa buhay ko pero i’m getting there, sana pagkagraduate ko alam ko na pero alam kong di ganun kadali yun. hehe. kaya buti at natagpuan mo na ang tunay mong ligaya. sana mapalago (tama ba?) mo pa lalo yan. :)

  5. Haaay salamat may update na din si Titser.

    Tama sobrang bilis nga ng hiring sa call center industry. Napagtripan kong mag apply kahapon habang inaantay ko tropa ko na umattend ng orientation, tapos kinahapunan pinapapirma na kaagad ako ng contract. Kaso nung nagbriefing na, nadismaya ako tsaka may current work pa rin ako sa Meralco kaya hinde ako pumirma. Wahaha.

    Astig Titser yung mga sagot mo ah. Bukod sa pagiging writer, pwede ka ding maging abogado. Hehehe.

    Off topic: Balitaan mo ko dun sa sinabi mo ha. :D

  6. ahh kaya pala..

    totoo naman talagang nakaka-stress na ang ganyang sked ng trabaho..lagi kang pagod at antok kahit na buong maghapon ka nang nagtulog sa off mo. oks lang yan pre. makakahanap ka rin ulit better than them…malay mo, outside the country na hehe…malay mo lang kasi marami talaga ang posibleng mangyari.

    so what’s your plan after this pre? balitaan mo ko ha?

    :)

  7. teacher!! bakit ngayon ka lang? namiss kita ah.. :D

    bakit naman bawal na gamitin yung paborit workstation mo sa pantry?

  8. minsan hindi naman sa we hate our job. minsan kasi nakakasawa lang talaga. hehehehehe!

  9. ilang taon ka na ba, zapped? may theory kasi ako. Sa mga intelektwal na tao tulad natin (naks!), may stage sa buhay natin na gustong gusto nating gawin tulad ng pagsusulat, especially noong bata pa tayo. Pero yun eh lumilipas. But there’s a catch. Kapag lampas ka na ng 25 years at gusto mo pa ring magsulat, then follow what you want kasi ultimately, doing that will make you truly happy.
    may bayad nga pala ang payong ito. sisingilin na lang kita kapag nagkakita tayo.

  10. Hello,

    Magugustuhan mo ‘to

    alasais.wordpress.com

    Tem-i of Alasais

  11. hindi pa naman ako nagtatrabaho pero pwede rin naman yan irelate sa pag-aaral…

    nakakainis talaga pag may pinag-aaralan kayo na hindi mo naman gusto…

    kaya sa college dapat piliin kung ano ang nababagay at napupusuan mo
    kung hindi, hindi ka talaga mag-eenjoy…

    pinili ko yaong kurso ko kasi gusto ko…

    at umaasa na sa future, yung makukuha kong job eh related sa kurso na tinapos ko…

    yun lang bow!

  12. hindi pa naman ako nagtatrabaho pero pwede rin naman yan irelate sa pag-aaral…

    nakakainis talaga pag may pinag-aaralan kayo na hindi mo naman gusto…

    kaya sa college dapat piliin kung ano ang nababagay at napupusuan mo
    kung hindi, hindi ka talaga mag-eenjoy…

    pinili ko yaong kurso ko kasi gusto ko…

    at umaasa na sa future, yung makukuha kong job eh related sa kurso na tinapos ko…

    yun lang bow!

    masaya rin maging writer! ekshelli, gusto ko rin iyan eh!
    kaso mas guto ko magpakaphotojourn.. pero ay stil lab math!

  13. haha. tr. zapped, did i just read about meebo? haha. what a coinidence naman o. naglalaro din ako nun e. anyway, tr zapped, tablado talaga yung boss n’yop sa ginawa nyo. haha.

    (wala lang, masaya lang ako sa lablayp ko ngayon.)

    sige po, tr, daan po uli ako!

    Goodbye and thank uou tr. zapped. :)

  14. ay sir, mali pala haha. sori naman sir.

    tsaka, yung suvey na sinasabi nyo, sa yahoo nga yun. parang alam ko din kasi yun e.

  15. at least ikaw may enlightenment ka ng na-experience.. ako di ko talaga alam kung bagay ako dito sa profession na to… kaya lang di na pwedeng umatras.. andito na ako.,.. madami na akong ipinuhunan… i wish you luck… sana maging successful kang writer… napadaan lang po…

    cheers.. glesy the great;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  16. parang naka-relate ako dun ah? sapul na sapul. sana balang-araw sa isang sulok ng araw darating rin ang araw na sisikat sa akin ang araw. toinks! thanks for sharing your thoughts…ciao!

  17. mag-iisang taon ako sa trabaho nang gusto ko nang bumatse dahil sa boss ko. Kating-kati na talaga akong lumayas…pero hanggang ngayon, andito pa rin ako. Hindi malaki ang sweldo, walang benefits, wala pang insurance…kahit halos matanggal na binti mo sa kakalakad…kahit pa parang maanod ka na sa mga ilog…nanatili ako dahil gusto ko ring magsulat! Kung ikaw ay nasa literary…ako namay dun sa scientific. hehe.

    sana makapagsulat tayo teacher… habang buhay!!

  18. nakakabored tlga ang trabahong routine..tpos ung only hapinees mo pa s work e kukunin nila..talagang di tama un no….

  19. isa ako sa mga tagahanga nyo pagdating po sa pagsusulat! Good luck po sa susunod nyong karera~

  20. ah eh, wala kong trabaho. lol. at hindi rin ako pumapasok.
    pero pwede na rin kasi di ko type yung course ko kaya ko tumigil, haha.

    pakiramdam ko tuloy wala kong pakinabang.

    teacher, nawala ako sa honor roll! huhu. phail is me. haha.

  21. magandang post ito ;-) sometimes we find ourselves in jobs we don’t want to do, but we should always keep in mind that its just a stepping stone until we find what we CAN be happy with. pero we can only help ourselves by doing our best in whatever situation that comes our way.

  22. wla po bang bagong post… pasensya demanding.. ahehehe… minsan lang kasi ako makabisita sa mga blogs kaya nanghihinayang ako pagtingin ko eh walang bagong balita…. gusto ko lang maka-update sa mga tao-tao… cheers;p-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  23. sir zapped, bilib ako sa inyo,pareho kau ni badoods na binabara ang mga bisor nyo. haha. anyway, wala pa akong maipapayo sa inyo kasi stupident palang naman ako at walang work experience. pero tulad nga ng sabi nila, follow your heart. diba nga parang sexbomb lang yann “kung ano ang nasa puso mo, sundin mo”. go! go! go! goodluck sa iyong writing career. :)

  24. tapos na sem break ah. di pa ba bukas ang skul mo, zapped?

    miss ka na amin!!!

  25. first tie ko pong magcomment dito.

    sir, antagal ko na kasing nag-aaral. kahit parehas tayong gustong maging WRITER, sa tingin ko, hindi na ako puwedeng mag-iba pa ng trabaho. pero, actually kahit nung una, medyo hirap pero mukhang napamahal na rin naman sa akin ang propesyon ko.

    sana ikaw din =)

  26. naku teacher.. apir kurak yang mga trulalu facts na iyan.. isa ako sa mga tinamaan.. habang nagflashback ako..

    ako yung looking forwrd for may day of… dahil sa uber pagod..aba ikaw b naman maging crew ng jollibe.. lapse na tlga ang byuti ko.. hahaha

  27. good for you teacher.alam mo na kung ano talaga gusto mo.kasi ako i still in search sa kung ano talagang gusto kong gawin sa buhay.di rin kasi ako happy sa work ko ngayon kasi super monotomous besides medu hindi rin healthy yung environmemnt kaya minsan gusto ko na ring mag-quit.

Mag-iwan ng Tugon