MiSeDuCaTiON # 16: Thou Shalt Not Say “OK LANG.” When It’s Not.(PART 1)
WARNING: The following program is not suitable for very emotionally or mentally disturbed audiences. PARENTAL GUIDANCE IS ADVISED.
“Dito ka na lang gumamit ng pc, kahit 24hrs pa! Sige na! Pagbigyan mo nako! luv u Cuz! Muuaaahh!!”
Eto yung txt message galing sa long lost cousin kong si “*WENDY” . I’ts been 10 years since we last saw each other and seeing her again is like finding an instant bestfriend.
I met her at SM Sucat, bitbit ang 3 Pringles at bumili pa kami 1.5 Coke litro gaya ng biro ko sa kanyang i-prepare niya kasi alam kong aabutin kami ng magdamagang kwentuhan pagdating sa apartment nila. Dumating din ang panganay niyang kapatid na si *Ate Ariana na sobrang bait at tlga namang na-miss ko rin. ” Joke lang yung sa Pringles! Tlgang bumili kp eh no.” sabi ko kay Wendy. ” OK LANG NO!” masayang sagot niya. Biruin mo- 10 yrs hindi kami nagkita? Tapos eto kami ngayon, all grown ups, tumaba shempre at start ng bagong closeness bilang magpinsang buo– sino’ng di sasaya?!
It was the biggest break that I’m dreaming of. For 10 yrs ko ring non-stop sa pagtatrabaho…Nag walk-out ( take note: WALK-OUT. hindi resign. as in lumayas at di na nagpakita pa.) sa pinasukan kong callcenter which is another story. At ngayon ko lng mae-enjoy ang feeling ng walang gagawin kundi makipagchikahan sa pinsan ko, kumain ng chichirya, mag-computer (blog, mag-ayos ng resume for abroad, magchat, etc.) at shempre ang mag-usap tungkol sa mga nangyari sa isa’t-isa sa loob ng 10 taon as an offer of courtesy shempre ng pinsan kong si Wendy.
While I talked about how I grew up mula sa pagiging service crew ng Tropical Hut, McDo, Jollibee, etc hanggang magkaroon ng mas desenteng career sa isang online travel agency kahit isa akong undergrad , Wendy talked about her ” Dirty Little Secrets”, her traumatic experience and her “Tragedy” inside those years. Yes, my cousin was abused. -sexually. And that gave her the TRUST ISSUES to almost everyone. She resigned from her work and started hating her co-workers. She dreaded one of her Ate for not listening to her about the abuse and she even hates the owner of the bakery nearby for giving her an old hard pandesal. Even worst, she have a weak lungs and she stays at home all day-alone. “Ayoko magtagal sa mall kasi ayoko ng pinagtitinginan ng tao no. Tapos Kung makatingin sayo mula ulo hanggang paa ang mga buwaka—ina!”
As she speaks, I began to feel sorry listening about what my cousin had gone through. Hindi kasi yun ang ini-expect kong marinig sa isang sweet, loving na bunso sa magkakapatid na kalaro ko nung grade 1 pa lang ata ako. But i got even more worried when she said: “kaya pag namatay ako… hihilahin ko mga paa nilang mga pu****ina nila’t sabay sabay kaming pupunta sa impyerno!” This brought me to a point to realize how the tragic experience shattered her young fragile heart. It really made a deep impact to her self-esteem and she even decided not to pursue college tutal sira na naman din daw ang buhay niya. Listening to her wailing, it is blatant to me that her heart is full of raging angst. Sabi ko na lang kunwari: “ lumabas-labas ka… pag matagal ka na kasi nakatengga nakakapurol din eh. ako din ganyan nung huminto nako sa college. So, Ok ka lang ba ngayon? “ I asked. She said ” OK LANG.” as always.
As I observed our conversation ,a sudden thought of imbalance about her thinking came in to my mind, but I tried to brush it aside. I lit up the situation by attempting to crack a joke. ” Nako, try mo kaya patingin Cuz. Kasi ako nagpa- psychiatric treatment din ako nung nagkaroon ako ng Major Depression dahil sa sobrang stress. Di kasi ako nakakatulog so restless ako kaya nagkakaroon ako ng physical breakdown.-Ok lng yun no! Di naman ibig sabihin na nagpatingin ka, abnormal ka na eh. Tignan moko! hehehe!!! joke lang ah!” We just laughed at it knowing this is just -what I hope would be- a mutual attempt of humor. I was relieved again when she said: “OK LANG.”
Yung overnight lng na plano eh inabot ng 4 days kasi inabutan pako ng bagyo dun kaya tlga namang natuloy yung hiniling niyang extension ko na mag-stay. Shempre, kating-kati nako mag-blog (HINDI MAGNAKAW NG ALLERGY TABLET.) para isulat ang adventures ng “super bonding bakasyon” ko. Since she invited me to use her pc sa umpisa pa lang, I explained to her that as a writer, there are tendencies that an ever elusive idea will pop up and I would want to write it down as soon as possible kasi nga bigla-bigla na lang lumilipad ang thoughts tapos hindi mo na uli maalala. Sayang yung momentum. So I asked my cousin, ” Ok lng ba pag nagsusulat ako, iwan mo lang ako? Kasi mas comfortable ako magsulat alone. Madali kasi ako nadi-distract eh.” ” OK LANG no.” she immediately responded. “ Gusto mo mag-lock ka pa ng kwarto ko eh. Dun ako sa kabila.” she said with support to what she knows I love doing. Nakabuo ako ng halos 3 posts sa drafts ko about sa bakasyon kong yun, abt secrets, at iba. Pag napagod, konting chat at friendster (kasi 48 yrs yung server sa bagal ng SmartBro kaya restart ako ng restart) tapos sulat uli. So, I – with her consent, locked the door and created the previous post/masterpiece MISEDUCATION # 15: The BREAK-UP.
Everything seems to be ok pa rin until nung sabado ng hapon bago ako umuwi. Nag-online si Ate Ariana para magcheck ng e-mails. I found out hindi pala siya marunong mag-chat sa YM, so I offered to teach her the ropes para naman hindi lang iisa ang prospects nya sa text. Meanwhile, inaatake daw si Wendy ng sumpong niya (Hika.) kaya daw siya tahimik. ” . Hayaan mo lang ako. OK LANG ako.” she assured. So tuloy lang kami ni Ate Ariana kasi nga exciting at may kachat na siya tsaka first time shempre. Bising- bisi ako kakasagot sa mga nag-aagawang makipag-usap kay Ate Ariana kasi tinuturuan ko pa nga siya ng biglang nagsalita si Wendy:
” Ate Ariana, akala ko ba ikaw ang gagamit ng pc?!” she said sarcastically. I was stoned for a moment. Pero hindi ko pinahalata yung pagkapahiya ko… inayos ko lng yung mga pop ups tapos hinayaan ko na mag-computer si Ate Ariana at nanghiram ng “White Flower” ointment ni pinsang Wendy para makatulog saglit. Hindi ko na lang ininda yung reaction niya kanina kasi inintindi ko na lang na baka side effects yan ng hika nya or.. ng trauma niya.
Pinabaunan niya pako ng mga imported sabon at toothpaste, etc, para sa mga kapatid at tatay ko. Sabi ko ok lng kahit wala nyan kasi hindi naman kami sanay may nagpapadala samin ng package. Pinapili niya rin ako ng mga cds niya.. sabi ko ” Sure ka? ok lng sayo?” -” OK LANG. Pwede naman ako mag-download.” paniniguro pa nya. Bago ako umalis, shempre nagpicturan, yakapan, mga habilin…at sabay ” Sorry ah. TINOTOPAK kasi ako eh. Pasensha ka na.” Sabi ni Wendy sakin. Dahil tlga namang naiintindihan ko kung ano ang puno’t dulo ng nangyari sa kanya, at shempre dahil mahal ko ang pinsan kong minsang nadisgrasya sa takbo ng buhay…wala sakin yung inasal niya kanina. This time ako naman ang nagsabi ng “OK LANG.” and I mean it.
I sent them (Ate Ariana & Wendy) a thank you msg sa text the following day and made it a point to go to Church to pray for my cousin.
…nang biglang nakarecieve ako ng ganitong text msg galing kay Wendy:
“EFFECTIVE BA YUNG GAMOT? “
- shempre ang reaction ko ay: HUH?!
Tapos, sinundan na ng ganito:
“Slmat nagtira ka ng 7 pcs sakin nung gamot ko… bilang ko kasi yun eh…. di ko na kailangan mgpa-tingin dahil normal ako at hindi nman “mapurol”…kaw pa lang nagsabi sakin nun sa buong buhay ko!..nabanggit ko na nga pala kina mama at papa lhat ng activities mo pagdating mo d2.”
Nagulantang tlg ako sa txt na to. Sobrang nagworried -slash- confused ako sa naging reaction niya pero ANG TANONG: GALIT NA BA SIYA NUNG ANDUN PAKO? KUNG GANUN, BAKIT NGAYON LNG SIYA NAGSALITA EH ANG AYOS- AYOS NANG PAGPAPAALAM NAMIN? At may isang tanong pa na gusto kong malaman kung anong ibig niya sabihin:
PINAGBIBINTANGAN NIYA BAKO’NG NAGNAKAW NG SUICIDAL PILLS ALLERGY TABLET NIYA???!!!
To Be Continued….
(*) Names withheld.
~ ni themiseducationofzapped sa Setyembre 20, 2008.
Ipinaskil sa Good Manners & Right Conduct, Lesson, Social Studies




ay nabitin ako TeaCheR zapped,akala ko nasa climax na ko yun pala to be continued pa..haha aabangan ko na lang! Ganun din ako minsan,sinasabi ko na “OKAY LAnG” pero sa loob-loob ko hindi naman talaga…
GRABE teacher. grabe yang si wendy. pero minsan siguro dapat talaga pinagbibigyan pag ganyang may topak. be the bigger person, kumbaga. hindi literal. hehe.
sana mamaya may kasunod na! hehe nabitin din ako eh.
hayys zapped, kahit ako maaasar sa inasal ni wendy na yan. she’s not even shur kung kinuha mo talaga yung suicidal tablets niya haha. at yung ate naman niya, na isa pang **noi…sana man lang binigyan ka ng briefing tungkol sa behavior ng kapatid niya, regardless kung anuman yon para naman indi ma-misunderstood ito lalo na sa mga relatives nila.
naaasar ako.
sa kanila.
minsan mas mabuti pang lumapit ka sa ibang tao kesa sa sarili mong KAMAG-ANAK! ampf!
this is my 4th attempt na mag comment…hahahha…kasi sobrang daming words na ng lalaro sa isipan ko na gustong sabhn sa pinsan mong si “WENDY”….hmmm…paki tatak sa isipan..sa pagiging honest minsan sa feelings mo ay hindi masama.. sa totoo lang… ang word na “OK LANG” ay ginagamit LANG ng mga mag syota …pero sa mag pipinsan na like 10years na hindi ng kita, siguro gawin mong sosyal ng konti…heheheh…like..”NO PROBLEM” hmmmm….or try…”IT’S FINE”…hehehe….hay naku…minsan kasi meron tayong sinasabi in that particular momment na hindi naman natin minimean…marerealize mo na lang after a day?! (LIKE HER)…waaaaaahhhhhh…..ako, i dnt use “OK LANG” often.. I LOVE THE PHRASE …”OK KA LANG?!”…kung hindi mo pa yan ma gegets…eh, boplax ka na lang tlaga…..kay WENDY…. cheer up!!!! enjoy life! Chill!!!! minsan lang tayo na bubuhay sa earth…at teacher zapped, kung kailangan mo ng gamot….isang tawag lang ako…heheh…kakabitin! bilisan mo naman mag sulat…ingat ingat…kasi OK LANG….
teacher, pacheck muna ko ng attendance.. hehe to follow na lang po yung write up ko about the lecture..
may case presentation at exams pa po kasi ako.. hehe
wabshouu teacher..
gosh! akala ko mabait si wendy! amp! nainis tuloy ako sa kanya.
amp! masama siya bat may pa ok ok pa siyang sinasabi kung hindi naman talaga yun yung nararamdaman niya.
kapag hindi ok, sabihin kasi! nakakainis yang mga ganyan eh.
ako hindi ako magsasalita ng okey lang kung hindi naman totoo.
sasabihin ko talaga na amp!
tuloy mo agad yung story about sa okey lang at magaling mambintang mong insangmulohayk!
As you Wish my pupil Eloisky.
eto na yung part 2.
Chocolate ko?
teacher zapped paki advertise naman yung new blog ko thanks! http://mangbadoy.wordpress.com inactive na yung isa.
san mo ba nilagay ang gamot? para naman sira yung pinsan mo at pinag-isipan ka pa ng masama… bilan mo pa ng tatlong bote para naman matuwa sya sayo,,,
na resib ba comments ko?
Semi-baliw si Wendy. O_o
i feel sorry for your cousin.
hmmm… try to understand her nalang cher zapped .. gaya nga ng sabi may pinagdaanan yun cuz mo..
present po!
hello, hello teacher!!
nagbalik na ako.
malapit na finals week.
hello.. napadaan lang..
anyway.. ang weird.. nung binabasa ko, esp. sa last part.. parang pati ako tumayo ang balahibo ang parang binuhusan ng malamig na tubig.. abangan ko ang susunod na post mo..
God Bless..
ayan nabasa ko na ang lecture mo teacher….
kumusta naman ang nawawalang allergy pills? nakakaasar ah..
teacher, bitin ako.. asan na si part 2?….
grabe naman sapak sa utak nan.. pasensya ka na teacher ah.. kainis kasi yung mga ganun.. dapat talaga magpatingin na sya malala na sya.. pasensya na ulit..
ai. sabay ganun ung ending
awts naman.. aanin mo naman yung gamot
she should have asked first.
not easy, not easy… hindi madali yan esp since alam mo naman yung naging takbo ng buhay nung pinsan mo… antayin ko muna yung sunod na kabanata bago ko ituloy ang aking mga puna.
Okay lang.
tulungan mo pinsan mo teacher zapped. as in parang kelangan na nya ng medical help. kasi masyadong mabilis magpalit ng mood eh. Siguro nga, totoong “okay lang” sya nung sinabi nya sa yong ok lang sya…pero…mayamaya, biglang hindi na sya ok.
bugnutin talaga ang mga taong nasa super depressed mode. intindihin mo na lang.
sabi ko na nga ba di maganda ending ng post na to.. labo ng cousin mo. siguro talagang may tama na siya at kailangan na nga ng professional help.. pero come to think of it – sigurado ka bang totoo mga kwento niya kung ganyanng ina accuse ka nya ng kung ano ano at di siya consistent??? ingat at iwas ka na dyan. kaasar talaga.. ay naku
kaloka naman yung pinsan mo. baka epekto p rin s knya.
hello…grabe naman nangyari sa pinsan mo…sabagay, hirap nung sitwasyon niya ngayon..tapos may sakit pa siya….
do understand her na lang…maybe that’s her only way to hide what he feels talaga….
i like your entry Miss…. i will continue read the next part…
Godbless!
ay sayang, yung #17 ung una kong nabasa, kung ano-ano tuloy kinoment ko dun. haha, eto pala ung umpisa, girl pala ung pinsan mo. nako, di ko malaman kung maaawa ako sa kanya dahil sa nangyari sa kanya o maiinis dahil sa pinaggagagawa nya sayo. Hindi pa sya patas lumaban dahil di sya face-to-face makipag.away at piniling through text makipagpatayan. ang jologs nya. lols. alam mo ung mga taong may ganyang klaseng personality, nakakatakot yang mga yan kasi di mo matantya kung may halong kaplastikan pag magkaharap kayo. alam mo na, saying “ok lang” kahit di naman pala. dapat sinabi nyang harap.harapan na ayaw nya kung yan din lang pala ang sasasbihin nya sa’yo after. hay. kaylangan na nga siguro magpatingin ng pinsan mo. malala na yan.
*balik ako dito. mukang masaya eh.
ay sure.
thanks din sa pagbisita sa blog ko. haha. balik ako dito teacher.
di ako makarelate. basahin ko ulit. isang pasada pa, teacher! wag nyo ko bibigyan ng failed mark!
waaa…bket bitin!..teacher nakulangan sa oras!
OK LANG yan. XD
madugo ito ah. anyway, ang mahalaga eh nailalabas ang feelings. God bless!
alam mo it/s just okay, cuz nangyari na rin sa ‘kin yan…. parang nakaka-badtrip nga kas galit pala sya sayo di mo man lang alam,tapos kung kayan ang saya mo na kasinagkita na kayo tsaka sya magte-text ng ganon sa’yo.,kaka-asar no?!