MISEDUCATION #12: “Thou Shalt NOT please everybody.”
PLEASER ka ba?
Naranasan mo na bang mag-alala pag hindi ka kinikibo ng isang tao na walang maipaliwanag na dahilan pag tinanong mo? Pumirma knb sa isang kontrata kahit ayaw mo dahil natatakot ka kung anong sasabihin ng mga katrabaho mo sayo? Napasubo ka na ba sa isang bagay na ayaw mo tlgang gawin kaso nahihiya ka dahil ikaw na lang ang hindi? Nagkaroon knb ng sleepless nights dahil alalang-alala ka na baka hindi ka magustuhan ng ka- eyeball mo?
Nagsuot knb ng havaianas (kahit parang ugat ng puno ng balite ang mga varicose mo sa paa) or skinny jeans kahit hindi ka naman skinny at alam mong hindi bagay sayo para lang masabing “IN” ka? Madali ka bang nai-insecure at nagiging anxious pag may narinig kang hindi maganda tungkol sayo? Sinubukan mo na bang piliting baguhin kung sino ka just to fit in sa crowd?
Meron ka bang inferiority complex?
…takot ka ba sa REJECTION?
Kung oo,
pwes- isa ka ring kagaya ko.
- PLEASER.
Lumaki kasi akong laging nampi-please. Nagpe-please sa mga kaklase kong bully nung grade 5. Sa teacher kong hindi marunong maawa at puro pingot ang alam. Sa mga kalaro kong magagaling magtext at kalog tansan at gusto sila lagi bida. Sa mga kaklase kong popular sa skul na ikinahiya ako dahil daw hindi Benneton yung tatak ng bag ko. Sa tiyahin kong mapang-api. Sa mga pekeng kaibigan na tatablahin ka pag hindi ka naging kagaya nila. Sa mga katrabaho kong plastik na nag-umpukan sa galit dahil hindi raw ako nakiki-jamming sa trip nila. Sa mga taong hindi ka matanggap kung ano at sino ka.
Sunod lang ako ng sunod. Dapat daw kasi mabait ka. Kahit yung ibang tao pala nagte-take advantage na.
Dahil dito, nagkaroon ako ng sakit kung saan ayoko nang maging ako. Dumating sa point na kahit ako mismo… hindi ko na gusto sarili ko. Nanaginip pa nga ako na nag-walk out yung kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang banas ko sa sarili ko eh. Kitang kita ko kung pano pumiglas palabas ng katawan ko yung kaluluwa ko promise! gising ako nun tapos yung katawan ko naninigas lang inaantay bumalik yung kaluluwa ko. (Weird no?)
Well, hindi naman ako masamang tao. Pero dahil sa takot ako kung anong sasabihin sakin ng tao…Nagkaroon ng napakaraming restrictions ang tahimik na buhay ko. Hindi ko makain yung gusto kong isaw kasi baka sabihin ng mga ipisopismate ko”cheap” ko, hindi ko magawang kumanta kasi baka sabihin “panget” yung boses ko. Hindi ko magawang magsuot lagi ng uso kasi ayoko maging “center of attraction”. Hindi ko magawang tumanggi kasi baka sabihin “KJ” daw ako. Hindi ako nakikipag-eyeball kahit cute naman ako kasi takot ako ma-reject. Dahil lang sa mga komento at opinyon ng ibang tao…
hindi ko na magawang maging AKO. -
RESULTA: NAWALAN AKO NG RESPETO SA SARILI KO.
-THAT WAS BEFORE.
Mabuti na lang naglakas loob akong tignan muli ang sarili ko sa salamin at sinimulang tignan ang mga bagay na meron pla ako. D Looks. D Brain. Funny kahit no money ( yesss… ang yabang ko na.) yan ang sabi ng mga kaibigan kong sipsip. Pero tama sila. YOU SHOULD LOOK INSIDE YOU. sabi nga sa kanta ng TLC: “Find out who am I to be in the position to make me feel so damn unpretty?” -Sino ka para sabihin sa sarili mo na wala kang kuwenta, diba?
Those days are long gone.
I found out na may mga katangian din pala ako na wla sa iba. Na lahat tayo pantay-pantay kahit pa magkakaiba-iba at dapat nating tanggapin ang bawat isa no matter who, what, where, when, how (???) they are. Na hindi ka nabuhay para i-please ang lahat ng nkikita mo. Na hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo (unless masama kang tao) para magustuhan ng ibang tao. Na hindi mo kailangan magkunwari para makiuso. As long as u don’t cause any harm to other people…wag kang matakot maging ikaw.
Ngayon, Kakanta ako hangga’t gusto ko. Kakain ako hangga’t kaya ko. Wala akong pakialam kung sa tingin ng iba baduy na pala ako. Wala akong pakialam kung ayaw ng isang tao sakin dahil mas pinipili kong pang mag-blog kesa makipagsalamuha sa mga taong plastik. I will say NO pag ayoko. I will not follow what i dont want to. i have the right to refuse. I can decide without having someone to tell me what to do. Hindi nako takot sumagot pag alam kong tama ako. Wala nang aapi sakin. I don’t owe anyone an explanation because of who I am. Hindi nako magogoyo.
To all the ”pleasers “ sa mundo…wag mong ibase ang pagkatao mo sa opinyon ng ibang tao. Alamin mo kung ano ang tama at yun ang gawin mo. Para kang walang sariling bait kung nabubuhay ka sa kung ano lang ang iniisip ng iba sa yo.
kung ayaw nila sayo dahil ganyan ka… fine. They can leave.
Say: “This is ME. Take it or leave it. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo. Basta ako, magiging ako.”
Hindi ka nabuhay para sa opinion ng iba. Wag ka lang gagawa ng masama lalo na sa kapwa.. walang kang dapat ikatakot. At ka wag na wag kang matatakot kahit ano pang mangyari, kahit pukulin ka ng komento ng ibang tao o maging tampulan ka ng panlilibak o kahit kahit pa walang gustong kumampi sayo – KUNG ALAM MONG TAMA KA- Itaas mo lang ang noo mo. Feel good..Dahil mangilan-ngilan na lang ang tao sa mundong may tinatawag na PRINSIPYO.
in the end… what matters most is not the opinion people formed against you. Ang mas importante, ang tingin mo sa sarili mo— at ang tingin ng Lumikha sayo sa taas na walang alinlangang tumanggap sayo sa kabila ng lahat at pagiging imperfect mo.
REMEMBER: “Thou Shalt NOT please everybody.”
~ ni themiseducationofzapped sa Agosto 21, 2008.
Ipinaskil sa Christian Living, Social Studies



“Napasubo ka na ba sa isang bagay na ayaw mo tlgang gawin kaso nahihiya ka dahil ikaw na lang ang hindi?”
Ang latest saken, yung Tag tag na yan! Hahaha.
shyet ang haaaaaaba!
pero in furnace, binasa ko tlga.
pleaser ka? mahilig ka plang sumali sa mga contest kung ganun.
ano namang please mo pag sumasali ka?
nakaka first please ka ba nmn ha titser? o second please man lang??
lolololololol
titser, isa lang ibig sabihin nian, mabait kang tao.
kaya keri lang.
*kamot-ulo* tsaka ni nde ko nga mawari kung girl ka ba o boy shyet.
hanggang ngayon clueless akech. ganian ako ka bobitski.
lolololololololol
tama yan teacher.
just be yourself!
ganyan din ako long time ago…sobra! pero ngayon shempre indi na. may limit ang pagiging pleaser kasi yung iba aabuso talaga.
“This is ME. Take it or leave it. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo. Basta ako, magiging ako.” >>pwede hiramin ‘to? hehe..
sirius ata ang entry mo ha..
(sniff sniff) awww.. teacher kakainspire naman ang lesson ngayon..
pleaser din kasi aku eh.. yaan mo susundin ko tong lesson na to..
pacheck po ng attendance!
ganda ng lesson natin ngayon teacher. it also made me look back at those times na people pleaser pa ako at laging iniisip ang maaring sabihin ng ibang tao.not until i realized na isang malaking kaduwagan pala ang pinaggagawa ko. kaduwagang ipakita ang totoong ako..i found the real me kaya nga ak0it0, di ba?
Important tong lesson na to sakin teacher… Feeling ko kasi ganito ako minsan. Pero tama, i shall please myself first and think of others later. Hehehee.
its impossible to please everybody naman talaga, and most of the time, kung mapilit ka e you’ll end up in deep s#*+ talga… nangyari narin sakin yan, pinabayaan ko lang. look, lumipas din naman.
–
anu ka ngbibinata? prang sanaysay ng tinedyer yan ah
hakhak
wla lng
hakhak
ganyan ako, pliser den
hakhak
buti na lang elyens ako
XXXxx
very very true! very well said
wow! ang galing-galing naman! nakaka-inspire!
ganda ng lesson ah..
mapabasa nga to sa isang frend n pleaser..
buti na lang ang motto ko in life:
“wala akong pakialam sa nararamdaman mo. kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko sayo. ito ako, kaya tanggapin mo kung sino ako. kung ayaw mo, so wat!”
mxado na kasing napupuno ang mundo ng mga “plastik..”
so s mga pleaser..
go and live a happy life.. kung san kau masaya kahit na ayaw ng iba, basta di ka nakakaapak ng ibang tao, e di go..
tirah-tirah!
prof, tenks nga pala sa pgcomment mo..
bnhs-molino annex b ng-aaral mga kapatid mo??
gusto ko yung kantang yon.. unpretty by TLC..
Ako din dati sobra conscious.. pero ngayon weh ano ngayon kung ganito lang suot ko??Keri naman! Bleh!
Ahehehe
super haba ng post..hahaha
titser, eto lang masasabi ko.
“hindi ako ipinanganak para iPLEASE ang ibang tae este TAO”
hehehe..
oo naman teacher
we all have our own point of views nasa kanya-kanyang paghandle na lang yan. lesson siguro dun is “wag kang papatol sa sikat” hehehe
anak ka nang. timaan akong bonggang-bongga sa sinulat mo. napakahaba pero worth reading for talaga. napakaganda. GRABE ngayon alam ko na ang dapat kong gawin sa buhay ko. salamat kaibigan maraming-maraming salamat sa malupit na post na ito na gumimbal sa buo kong pagkatao.
ako pleaser din pero kapag am not pleased, wreaker naman ako, hehe. dapat nating malaman kung sino tayo para maging tunay na pleaser tayo para sa world peace, ganun
“in the end… what matters most is not the opinion people formed against you. Ang mas importante, ang tingin mo sa sarili mo— at ang tingin ng Lumikha sayo sa taas na walang alinlangang tumanggap sayo sa kabila ng lahat at pagiging imperfect mo.”
- yan ang natutunan ko recently. hindi ko ikukwento kasi off topic. haha.. pero in this case pareho tayo, no one could love urself better than u could. kya tayo binigyan ng tigi-tigisang utak para we will think, act and speak as an individual. gawin naten ung mga bagay na gagawin naten dahil gusto naten at hindi gusto ng iba. alien! teacher esmyuski CR lang. BRB
hmmm…
hindi naman ako pleaser.
sila ekshelli ang nagpeplease sa akin.
wala akong pake kung hindi ako in!
wala akong pake kung kj ako!
wala akong pake kung lahat sila oo at ako na alng hindi.
hindi ako nabully noon kasi alam nila lalaban ako. hindi ako papaapi. ang greatedt achievement ko nga eh napaiyak ko yung grabe mambully na klasmyt namin. Sinuntok ko eh! hahaha!!!
wapak!
bwahahaha~~minsan they call it ‘peer pressure’
at mabuti na overcome mo na yan..congrats
siguro daraan talaga tayo lahat sa ganung stage. i think its normal lalo na sa norms nating mga pilipino na mahilig mag idolize ng artista kaya nga binibili natin ang mga ina-advertise ng mga artista kasi alam nating ginagamit nila yun at para masabing “IN” tayo…
as we grow older, malalaman natin na mali pala ang mga desisyon na yun pero much better na magkamali ngayon kesa naman hindi natin malaman na mali pala ang mag please ng tao…
HAHA, yeah. i’m a pleaser myself. usually i always fake it ‘coz i don’t want anyone to be offended by things i’ve done or doing.
bah. whatever. it’s just that…this is me. hahah
nonsense. forget it.
Wah… Nakeri po ako sa lesson mo Prof… Pleaser rin talaga ako at dakilang martyr kahit pagkabata palang. Pero nung nging teenager na aketch, ayun… Medyo marunong na akong lumaban kung alam kong tama ako. Dati kasi auko rin napapahiya
Pero ngaun, alam ko na na dapat may prinsipyo ako. Tenkyu Prof!
Buti naman ay nagising na tayo sa katotohanan
(Naks…
) Talagang natamaan ako dun.
Present po Sir!
walang anuman sir.
pa’sit-in ako lagi ha?
i’m one of the pleaser’s too.. simula nung mag-resign ako sa work pleaser na ang tingin sa akin ng lahat! pati ng mga magulang ko lalo na ng nanay ko! sobrang sakit ng pakiramdam, pramis!.. ginawa ko lang naman yung tama, kinumpronta ko lang naman yung mga taong nanlilibak sa akin sa opisina..at nakipag-sigawan ako at lahat ng masasakit na salita ay nadinig nila from me…wakopaks kung matataas na tao sila at may pinag-aralan daw kuno!! ako kahit di nakapag-college nagamit ko naman sa wasto ang mga kaunting napag-aralan ko at yung pagiging artist ko kahit sino sa kanila hindi nila kayang tapatan yon ng mga diploma nila!! marunong naman din akong rumespeto, pero ang ayoko lang sa lahat e yung ipag-dukdukan sa mukha mo na napaka-tanga mo at sa harap ng maraming tao ipapahiya ka at yung kasalanan ng isang katrabaho mo e ibibintang sayo.. bulsheyt silang lahat!! ako palagi ang pinag-iinitan sa opisina ako rin kasi ang pinaka-bata. di nila matanggap na nakapasok ako sa work ng sa mabilisang proseso lang.. dyosme naman! contractual nga lang ako doon pag-iinitan pa ako.. ganon talaga kapag sa gobyerno ka nagtatrabaho di mo maiiwasan ang mga iggitero’t inggitera at lalong mahirap maging bulag, pipi at bingi sa mga transaksyong under the table at sa mga maling gawain na ipipilit sayo na tama yon.. pero di lang naman ako ang pleaser doon halos lahat sila pati na yung mga TUBOL (tawag namin sa mga mayayabang na tibo) na umaway sa akin!!..
kaya ako eto, sa bahay namamalagi’t nagkukubli sa mga taong mapang-api.
pasensya na at medyo madrama ang buhay ko… na dapat ay magko-komento lang ako na naging kwento sa haba nito.. sobrang nakaka-panginig ng gilagid at nakakapa-ningkit kasi ng mata ang mga taong gaya nila!…tamaang-tama nga at na-uso ang mga salitang “you’re such a LOser!” ..in a way na pwede mo na itong sambitin ng pabiro pero malakas ang dating at may laman, sa kahit kaninong taong kagalit mo o kinaka-asaran mo… o divah ang saya?! na kahit papa’no ay naganti ka rin sa kanila..
‘wag nyo akong tutularan, bad pupil ako, galit titser nyo
eh di paenrol na!
libre ba tuition ko? haha
sige sige, mag-mamake up class ako sir!
I’m not a pleaser.
KUNG AYAW NILA SAKIN, SO?? Hahahaha! Hindi ako nabubuhay para pasayahin ang ibang tao. Kanya-kanyang trip lang, kumbaga. Tsaka minsan kelangan mo din pasayahin sarili mo. LOVE YOURSELF. YOU’RE FABULOUS.
Diba teacher?
yah…ur right! don’t please anybody para lang magawa mo gus2 nila for u…
when i was in grade school… may mga nang husga din sa akin..
pero ngayon?.. am proud..kc ung nilalait nila noon ay MAS maganda pa ang buhay kesa sa kanila na wala na atang ginawa kundi manlait ng kapwa nila….
ignore them nalang para mas masaya dba?…
i was once a pleaser. a loser as what you’ve said. but not now. life’s struggles have made me realize that the real me is too way far beautiful from what i was. so., eon.. just sharing.
thats good teacher. im happy for you
Wow. Parang ganito din ako noon teacher. bago lang po ako dito nakikibasa sa makabuluhan niyong tala.nyahahaha tama po ba? nakakarelate ako sa inyo kung ano kayo “noon”. parang ganyan pa din ako ngayon eh. ang hirap kasi magbago lalo na kung nakakulong ka lagi sa box. hahahaha