MISEDUCATION #8: BUFFY: MS. INTERNATIONAL. (The Hallucination of Buffy Part 2)

WARNING: ANG BABAENG ITO AY DANGEROUS TO YOUR HEALTH.

(Kung hindi mo pa kilala kung sino si BUFFY: Please proceed to Miseducation #4. At pag nakilala mo na siya.. walang sisihan.)

ANG PINAKA-AYOKO TALAGA SA LAHAT eh iistorbohin yung tulog ko ng mga ingay lalo na pag kulang tulog ko at may pasok pako sa trabaho mamaya.. gaya ngayon, Naaalimpungatan pako ng mapansin kong may naglalaro na naman sa loob ng kwarto. At lalong pumintig yung tenga ko ng narinig ko yung boses ng bunso kong pamangkin na babae na si Regine na tinatawag yung ate nya ng: “MARIAH! MARIAH!”

“Hindi ganyan, Regine!” saway ng promotor (Buffy) sa kapatid nya. Naka-highheels,nakasabit sa braso yung shoulder bag ni Mama Inday ( tita ko.) at suot na naman yung maong na may butterfly-butterfly na burda ng sikwens pa na ginupit at ginawang super shorts sa iksi!

Hawakan mo tong notbuk tsaka bolpen. Kunwari maglalakad ako tapos hahabulin mo daw ako kunwari tas magpapa-otograff ka daw sakin tapos kunwari daw hindi ko alam. game. Maglalakad nako. Game na. ‘Gine.”

Uto- uto naman tong isa. “Mariah! Mariah! Paotograf! “ hinahabol nya kunwari yung ate nya na feel na feel maglakad kala mo artista talagang hinahabol ng fans nya.

Uminit na naman ang ulo ko sa mahadera kong pamangkin. Dala ng kulang sa tulog nasigawan ko talaga sa sobrang buwisit ko sa kalandian niya. “Hoy buffy!!! Alam mo namang may natutulog dito sa kwarto dito pa kayo naglarong dalawa!”

” Nagmomodel-model lang naman kami ah.” pinagtanggol pa nitong isa ang ate niyang nakataas na ang kilay sakin.

Ba’t dito pa kayo naglarong dalawa ha? ikaw Buffy! kalandian mo na naman ah! promotor kang chararat ( See MISEDUCATION #1.) ka!…”

Tinignan ko muna ang postura nya. Paoto-otograp ka pang nalalaman.-ANONG FEELING MO?!”

Pumamewang pa na parang candidate sa beauty pageant ang kumag at tinaas ang sunglasses na parang hairban.

“Ako nga pala si MISS -Ternational.” Sabay flash ng ngiti.

Napataas din ang isang kilay ko.” Anong Mister National?!”

“Ay,” Natawa pa siya at hinawi ang buhok at pumamewang uli sabay sagot: ” …MISS-is National.”

Aba, binago pa! kumunot na yung nuo ko.” Anong Misis Na-”

“-MA”AM NA LANG.” humina na yung boses sabay irap, talikod at hila sa bunsong kapatid paalis ng kuwarto sa takot na makantsawan na naman dahil sa pagiging “ENGLISH SPEAKING” kuno nya.

LESSON: Proper pronunciation; spelling; good manners & right conduct.

-Lulusot ka pa ha.

~ ni themiseducationofzapped sa Agosto 2, 2008.

22 Tugon to “MISEDUCATION #8: BUFFY: MS. INTERNATIONAL. (The Hallucination of Buffy Part 2)”

  1. haha. nakakapanggalaiti naman yan. xD
    hahaha..

    Sinabi mo pa. check ang attendance mo winx! early bird ka ha…very good!

  2. :lol: nyahahaha!!! ma’am na nga lang daw kasi! (indi ko napigilang matawa ditu sa opis amf ka. haha) dapat maglagay ka ng word of the day ni buffy dito sa blog mo para naman marami pa kami matutunan haha.

    Hay nako… series yan! Much much more to come. yung iba nga nakalimutan ko na eh. hihirit pa eh siya ah. kala nya nakalusot na sya.

  3. hahaha talagang feel na feel niyang sya si mariah ah! Kulit ng pamangkin mo.. hehehe

    Ay nako lalo na sa personal. Minsan nakakapikon na yung pagkafeeling eh. Salamat sa pagpasok sa skul, Angel!

    Check ang attendance ni angel.

    wow, may angel na may Mumu pa sa iskul!:o

  4. hakhak

    potek

    hakhak

    parang kapatid ku lngyan eh, ansarap dalhin sa mental

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    hindi pa pwede. under age. Check ang attendance mo rimewire. San ka nagpark?

  5. haha! naiimagine ko yung pagtwag niya ng mariah :lol:

    Ambishoes diba? Check ang attendance mo Wei. May bago ka pa lang blog ah.

  6. bwahahahaha…
    grabe naman ang talent ng pamangkin mo!
    hahahah..
    me potsyur yan! hahaha..
    malay mo maging “MISTER NATIONAL” nga siya..
    hahahaha…

    uu. Siya ang pinakaunang batang babaeng “mister National!”
    Check si ayzzz…

  7. hmmm ma’am present ! at si buffy ulet ang lesson .. kulit nga nyan.. na shshort pa pala ng may butterfly ahahaha.. teka… ma’am wala yata ko sa attendance sheet mo? :D

    Ay uu nga. sorry naman! pero pasok pa rin sa banga ang attendance mo, Lambing!:)

    Anjan kana sa attendance! Charan!!!!

  8. waaaahhh!!!! baka magaya kay janina san miguel.. ngayon pa lang turuan mo na ng tama at baka maging beauty queen yan.

    turuan mo nga! Naiirita ako eh. ayokong tignan. I foundu na rin sa iskul sa wakas!

    Check ang attendance mo i foundme!

  9. Waaah. Prof Zapped! Umentrada na naman si Buffy!

    Ahahahaa… Mariah Carey-wannabe pala siya? Miss International pa daw eh noh? :P

    Tama ka dyan sir! Kelangan munang matuto ng mga bagay-bagay before being a beauty queen :P PRESENT!

    Si Melanie Marquez ata ang idolo ni Buffy. ewan ko ba jan. Salamat Miho. Teka 14 ka lang?
    di nga?

  10. hahaha! kautuan ng bata talaga… pabayaan mo na pero itama mo na lang para matuto… baka magaya yan kay JANINA SAN MIGUEL!

    Uu nga eh. Tama na isang kahihiyan sa bansa! Check ang attendance mo badoy. Teka san na yung part 2 ni Ms X? bakit ayaw mo na ituloy! kasi nag-inquire ka no?hahahaha..

  11. ramdam na ramdam ko panggagalaiti mo parang gusto mo tirisin… kung lagi ganito gigising sa yo tiyak sasaya araw mo ha..ha..

    Minsan nga hindi ko na alam kung maiinis o matatawa eh. she got me so confused!
    salamat sa comment, akoits. check po attendance mo!

  12. lolololololol langya titser zapped walang kapantay yang si buffy. nakakawindang to da hayest lebel.

    titser, absent muna ako ng ilang araw ha? unavoidable circumstances lang. dibale, magdadala ako ng ekskyus letter pagbalik ko. :D

    Saglit, may urgent lang akech titser! :D

    lolololololol

    mamimiss kita. apir!*

    at ano naman yang “unavoidable circumstances” na yan, Aber? Siguraduhin mo lang na may excuse letter ka pagbalik at magme-make up ka ng past lessons ha! Mamimiss din kita. Pasok ka naman sa guidance office( gusto mong magsumbong kay teacher)

    Check na nga attendance mo.

  13. uy, present na ako! si buffy na naman pala ang bida dito, hahaha… sabihan mo saluhin nya itong kapa at korona na binili ko para sa kanya :D

    Hahaha. Yari ba yan sa tinik? hehehe.. Grabe naman ang tour mo mommy kenks! Dami mo na ata namiss.. mga 1 lesson ata. hehehe.. magaling ka nb?

  14. aliw! ika nga nila, Kids say the darndest things. :)

    You can say that again.:)

  15. haixx prof..
    ilang araw din akong di nakapasok..
    may ulcer kasi asawa ko..
    habol na lang ako..
    2 lesson lang naman namiss ko eh..

    mister national na pala ‘tong si buffy eh..
    pwde rin plang misis national..
    galing ah!
    kala ko mariah carey lang..

    Hala. Dalhin mo na sa skul clinic si mister!

    Antay ko post mo ah?

    check attendance mo faye!

  16. Make up class #1.

    Haha hanep sa pronounciations. Sigurado nagising ka ng husto dun.

    Hindi lang. Umuusok ako sa sobrang banas. Uy… nabuhay ka? hehehe… long time no see?

    cge passed ka na sa lesson na to, Kirk.

  17. grabe, chararat to the nth level! hahahaha teacher dapat natuwa ka pa na biniyayaan ka niya ng laughtrip sa huli! :D

    Madami pa yan Pupil Carol… so get ready.

  18. make up class lang po hehe :) kulit talaga ng pamangkin mo oo :) pero ha at least di boring ang life kasi may laging nang iinis at nagpapatawa na rin at may libreng alarm clock di ba?

    Life is never easy w/ Buffy.

    Check na po attendance mo, poks! bumabawi ka ha? anong pasalubong ko?

  19. teacher!! make up class! :D

    hehe… grrr. ang hirap ng ganyan kasi di mo mapatulan.. haha bata eh.. :D

  20. at malapit ko na macomplete ang make up classes ko! :D haha

    anu daw? misisternational?! labo. :lol:

    Hewan kobadun! Kaya nga “Maam” na nga lang daw eh.

  21. easy lang… pero nakaka-asar talaga ‘yang “bluffy” na ‘yan…

    Amen. Lalo na ang mga susunod kong kuwento sa kanya. Salamat sa pagvisit sa Deyker.
    Ano pala link mo?

    -TeaCheR.

  22. hayyyy..ang tagal ko din hindi nagbasa ng blog mo.. infairness naghanap tlag ako ng time para basahin lahat.. andami ko na namiss teacher!! (wag na pumalag, nkikiteacher na din ako) ang absenera mong estudyante nagbabalik! haha.. :P

    “the best tlaga yan si buffy,,..lumaki laki pa yan, pede na ilublob sa drum na puno ng tubig na may sabon.hekz! katulad nga ng sinbi ko sau noon., i would always enjoy reading blogs about her..haha!”

Mag-iwan ng Tugon